Thursday, October 29, 2009

[News] Breakup of Angel and Luis Still a Hot Issue

After Angel Locsin has confirmed the breakup of her relationship with Luis Manzano [click here for the first story], some conflicting news are coming out. From the pictures taken in the taping of ASAP a few days ago, the ex-couple appeared to be in good terms [click here for the story]. An article in Pinoy Parazzi however claimed that they were only civil in the dressing room. What did I glean from various articles? First, Angel is not saying never about a reconciliation in future. Second, although Angel said there was already a closure, but it seems there are still some issues they need to thresh out between them.

I collected in one post all related news about the breakup with hyperlink to articles that were posted
already so readers can draw their own conclusion:


Credit: Alex Valentin Brosas, Manila Bulletin

End of the Road for Angel and Luis

Now it can be told: Angel Locsin and Luis Manzano are no longer a couple.

The confirmation came from Angel who was besieged with questions about the issue by the press on the set of “The Buzz” last Oct. 25.

"Opo, apat na buwan na kaming break," Angel admitted.

Asked if there was third party involved as insinuated in some reports a few months back, Angel just laughed.

"Ano ba! Ayokong sagutin 'yan," she blurted.

Angel was reportedly romancing a rich Chinese guy who allegedly showers her with expensive gifts all the time. It was even reported that Angel was able to donate P600,000 cash to victims of typhoon Ondoy because of her "rich benefactor."

But, really, who is this guy?

"Kung sino man siya, mag-donate na lang siya sa Shop and Share online," was Angel’s noncommittal response.

Angel gave no credence to rumors that Luis being linked with other actresses, including newbie Maricar Reyes, caused the split.

"Ayoko pong mag-comment tungkol diyan kasi si Luis hindi rin po nagko-comment. Respeto na lang po natin kay Luis," said Angel almost pleadingly.

Although they have already broken up, Angel and Luis still talk to each other every now and then “pero minsan din, hindi."

The actress also clarified rumors that she's transferring to Viva Films.

"Magre-renew po ako ng contract ko sa ABS-CBN at sa Star Cinema. Two years po ang pipirmahan kong kontrata. May mga gagawin po ako sa Dos," she said.

She hypothesized how the issue about her moving to Viva came about.

"Siguro po, nakikita nila si Tita Becky (Aguila) na nasa Viva kasi naroon po ang mga alaga niya sa Viva, sina Jennylyn Mercado at si Valerie Concepcion. Ang alam ko kasi, si Valerie po may lalabas na instructional video sa Viva. Si Jen naman, alam naman nating lahat na co-manage siya ng Viva at ni Tita Becky," she said.

In January, news of Angel's breakup with Luis surfaced. It was even reported that it caused Angel to cry while performing a number on “ASAP.” This rumor came after Luis and Angel spent the Christmas holidays in Macau with Vilma Santos and Ralph Recto.

Angel admitted back then that she and Luis had a problem, but they were able to patch things up. She even rated her relationship with Luis as “a perfect 10." Click here for the related story.

~~o~~


Credit: Pilar Mateo, Pinoy Parazzi
Angel Locsin at Luis Manzano, dedmahan sa dressing room – Pilar Mateo

HINDI RAW MAWAWAAN ni Angel Locsin kung saan na naman nanggaling ang mga balitang diumano, eh, lilipat na siya sa Viva Films sa pangangalaga ni Boss Vic del Rosario at ng anak nitong si Veronique.

“Parang ano ba ‘yun? Ako itong galing sa paglipat, eh, lilipat na naman uli? Ang alam ko lang na rason kung bakit madalas sa Viva ang manager kong si Tita Becky (Aguila), eh, dahil din sa mga ‘kapatid’ ko sa management niya na sina Jennylyn (Mercado) and Valerie (Concepcion). Maybe, ‘yun ang isang reason kung bakit may mga nag-akala na pati ako ay ka-join na rin sa mga nine-negotiate roon ni Tita Becky. Who knows in the future, I might do a project with Viva Films?

Pero ang alam ko kasing naka-set na gawin ko is a project with Aga (Muhlach) and sa Star Cinema ‘yon to be directed by Olive Lamasan,” esplika ni Angel.

Dagdag pa ni Angel, masaya siya sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng ABS-CBN at ng Star Cinema kaya ni hindi raw sumasagi sa isip niya ang tungkol sa paglipat. Nakatakda na nga raw siyang pumirma ng panibago niyang kontrata.

Nananatili pa ring quiet sina Angel at Luis Manzano sa naging break-up nila na si Angel na rin ang nagsabing apat na buwan na rin pala!

Sa nasabing taping nga, nagkasama pa diumano sa isang dressing room sina Angel at Luis. Nasa isang sulok lang si Luis habang abala naman si Angel sa kanyang laging bitbit na laptop para i-check ang mga nagbi-bid sa kanilang Shop and Share page. Hindi nga ba nagkibuan o nag-usap ang dalawa?

May mga reporters na nakakita na nasa iisang silid lang sila. Pero para nga raw deadma lang. Siguro raw nagbatian lang, nagpapakiramdaman lang. Pero parang walang gustong gumawa ng first move!

[omitted unrelated statements]

~~o~~


Credit: Reggee Bonoan, Balita Newspaper
Angel, Locsin, Kinumpirmang Wala na Silang Relasyon ni Luis

Nag-iipon ng pambili ng rubberboat at helicopter

SA si Angel Locsin sa special guests ng The Buzz para sa birthday celebration ni Boy Abunda at dahil mahirap hagilapin ngayon ang aktres ay isa na kami sa nakigulong kausapin siya.

Diretsahan na agad ang tanong namin sa aktres. Kumusta na siya pagkatapos ng bagyong Ondoy?

"Heto, maraming natutuhan, nag-iisip, kasi hindi natin alam kung may ganu'n uling darating, paano na ang ibang kababayan n?" sagot ni Angel.

Inamin ni Angel na nag-iipon siya ngayon ng pambili ng rubberboat at helicopter para in case na maulit ang nangyari ay pangsagip na siya.

"Kasi paano mo masasagip ang mga kababayan mo kung wala kang helicopter? E, puro na tubig-baha, walang makakadaan.

ng una, dinededma ko ang mga `yan, ngayon, importante pala na may ganu'n ka rin. Pero matagal pa siguro, mahal ang copter, kaya mag-iipon muna, kailangan kong magtrabaho," nakangiting sabi ng aktres.

Inamin ni Angel na napagalitan nga siya ng daddy niya nu'ng panay ang withdraw niya para sa mga nasalanta ng bagyo.

"Siyempre, hindi naman po natin masisisi ang ama ko, kasi siya ang in-charge sa finances ko at gusto rin naman niyang ulong talaga, `kaso wala naman pong pumapasok na pera sa akin ngayon, puro palabas kaya medyo napagalitan ako.

"Sabi niya, Angel we have so many bills to pay, kailangan mong magtipid, okey lang kung may income ka, e, wala an. Actually, ilang buwan na nga pong wala, so ganu'n... at naintndihan ko naman po si Daddy," kuwento ng aktres.

At dahil hindi kapos siya ng cash, naisip niya at ng kanyang mga kaibigan ang Shop and Share website na may auction ng personal nilang gamit, at ang perang mapagbebentahan ay itutulong sa biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

"Ang sarap nga po ng feeling kasi maraming artista ang nagbigay ng mga personal nilang gamit, kaya abut-abot ang pasalamat a kanila, grabe, kulang ang thank you ko sa kanila dahil super successful ang Shop and Share project.

"Nakalikom na kami ng $12,000 (P564,000) sa first batch at second batch na itong inihahahada namin. May naka-schedule aming 8 batch, kaya heto aligaga kami sa pag-aayos.

"For shipping (abroad) na nga `yung tatlong items na nabenta at sinamahan namin ng thank you notes, kasi siyempre heroes nag-donate sila para sa mga nasalanta," kuwento ni Angel.

Nakita namin na bitbit ni Angel ang 4 na Louis Vuitton bags ni John Lloyd Cruz at branded denim pants naman ni Vhong arro na donasyon din nila para sa Shop and Share.

Inusisa rin namin ang aktres tungkol sa Hermes bag na dalawang beses lang pala niya nagamit pero ipina-auction na niya.

"Oo nga, sobrang ingat na ingat ako, kasi siyempre Hermes, in-auction ko, paborito ko `yun, e. Medyo nahirapan nga akong go, pero mas nanaig `yung gusto kong tumulong kaya isinama ko na rin.

"Gusto kong mag-set ng example na kaya kong i-sacrifice ang paborito kong gamit para tumulong at nakakatuwa nga kasi ami ring nag-donate ng paborito nga nilang gamit. Kasi malaki ang kikitain nu'n," paliwanag ni Angel.

Samantala, klinaro ni Angel ang napabalitang paglipat daw niya sa Viva Films.

"May mga nagsabi nga at nabasa ko rin sa diyaryo, hindi rin naman natin masisisi siguro `yung taong nagsulat kasi matagal ila akong hindi nakikita sa TV, pero hindi totoo `yun.

"Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma'am Veronique (del Rosario-Corpus) at saka kakagaling ko lang sa isang inding transfer kaya wala po akong planong pagdaanan ko ulit `yung mga hirap na dinanas ko noon," sabi ng aktres.

Natatagalan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Aga Muhlach sa Star Cinema, kaya inakala siguro ng ibang reporters na ved na `yun?

"Medyo nga po natagalan, pero baka this November or next year tuloy na," sabi ni Angel. "Gusto ko pong makatrabaho si a Aga Muhlach talaga, siyempre naman." Inamin din ng aktres na nanghinayang siya na hindi natuloy ang pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6 ng Regal Films.

"Oo nga, ayoko naman pong magpaka-plastic na sabihin kong hindi, siyempre sobrang nanghihinayang dahil alam naman ng lahat na gusto kong makatrabaho talaga si Megastar Sharon Cuneta. Nagpaalam naman ako kay Tita Malou (Santos) sa project at pumayag naman siya.

"Okey na po kami ni Mother Lily (Monteverde) dahil Regal baby naman talaga ako. Maski na ano'ng sabihin Regal baby talaga ako kasi doon ako nag-umpisa, gusto kong maayos ang lahat.

"Siguro sa susunod na lang, anytime naman ay bukas ang pinto ko for Mother (Lily) at sana huwag lang magsara ang pinto nila (Regal Films)," paliwanag ng dalaga.

At tungkol sa lovelife, finally, inamin na ni Angel na, "Wala na kami ni Luis (Manzano), may closure na, pero kailangan pa naming mag-usap dahil marami kaming dapat iklaro sa aming dalawa."

Simula nu'ng maghiwalay sina Luis at Angel ay dalawang beses pa lang silang nagkita, nu'ng Linggo sa taping ng ASAP '09 dahil hinintay nga ni Angel si Lloydie para kunin ang mga donasyong LV bags, sa dressing room, at nagpang-abot sila ng ex-boyfriend niya at nakita namin na nagbatian naman sila.

"Okey naman kami, hayan nagbatian, pero hindi pa nag-uusap talaga, gusto niya, e, kaya gusto ko rin para maklaro nga.

"Sa ngayon, hindi ko masabi kong handa na akong umibig pa, pero kailangan ko sigurong mahalin muna ang sarili ko at `pag na-feel kong ready na, siguro that's the time na. As of now, wala pa akong nararamdaman na papasok ako (uli) sa isang relasyon.

"Saka engaged na ako ngayon, engaged ako sa pagtulong ko sa mga kababayan ko. Hindi ko ma-explain, pero ganu'n ang nararamdaman ko," paliwanag ni Angel.

Itinukso namin siya kay Sam Milby na crush siya noon pa.

"Naku, magkaibigan kami ni Sam at kapatid ang tingin ko sa kanya, little boy pa rin siya sa akin kasi napaka-pure ng puso niya, kaya ganu'n ang trato ko sa kanya. Sobrang bait ni Sam at iba na ang level ng friendship namin nu'ng nag-Only You kami, kaya iba si Sam," papuri ng aktres sa dati niyang leading man.

Oo nga, mukhang malabo namang maging sila ni Sam dahil may Anne Curtis (pa rin) ang actor.

No comments: