Finally, binasag na rin ni Angel Locsin ang kanyang katahimikan sa matagal nang usap-usapang splitup nila ni Luis Manzano.
Nakausap namin siya sa dressing room ng The Buzz last Sunday at kinumpirma niyang hiwalay na nga sila ng aktor-TV host.
“Siguro, very clear na rin sa mga tao na hindi na kami kahit hindi kami nagsasalita. So, masasabi ko lang na ’yun, wala na kami, mga apat na buwan na,” pagkumpirma ni Angel.
Kung anuman ang dahilan, ayaw na raw niyang magsalita pa dahil kanya na lang ’yon, lalo na sa isyung may third party na involved sa parte ni Luis.
“Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin, so, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita,” sabi ng aktres.
May communication pa rin naman daw sila at nag-uusap naman although may time rin daw na hindi sila nag-uusap.
Kung may chance ng reconciliation ay ayaw nang magsalita ni Angel nang tapos dahil hindi raw natin masasabi talaga ang puwedeng mangyari.
Nilinaw din ni Angel ang isyung lilipat siya sa Viva Films at aalis na sa Star Cinema.
“Hindi po ako lilipat. Nagulat na nga lang ako na may ganu’n. Hindi po totoo, kagagaling ko lang sa transfer, parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako,” natatawa niyang say.
“Ang alam ko, si Tita Becky (Aguila, her manager) ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie (Concepcion) and Jennylyn (Mercado). Baka siguro, dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka, akala, ako.”
Inamin niyang nag-expire na ang kontrata niya sa Star Cinema at siguro, isa na rin ito sa reasons kung bakit may lumutang na balitang lilipat na siya.
“Ganu’n lang talaga ang kontrata, natatapos. Pero magre-renew na po ako ng two years ulit. Nandiyan na ’yang draft, hindi lang namin naasikaso noon kasi nga, ’di ba, sa bagyong Ondoy at Pepeng?” sabi niya.
Kinumpirma rin niyang tuloy ang movie nila ni Aga Muhlach at excited na siya about it lalo pa nga’t isang magaling na direktor ang hahawak nito, si Olive Lamasan.
Samantala, kahit loveless siya ngayon, sinigurado naman ni Angel that she’s okay.
Abalang-abala siya sa charity works para sa nasalanta ng bagyo at nagtatag pa nga sila ni Anne Curtis ng Shop and Share project, na ang layunin ay makatulong din sa mga binagyo’t binaha.
Ang nasabing proyekto ay may website na www.shopandshare.ph kung saan ang designer items ng mga artista ay ino-auction.
Ang kikitain dito ay didiretso sa Red Cross para sa isinagawang relief operations.
“Sobrang overwhelming ang response ng tao, eh. ’Yung may bid na mas mahal na siya ru’n sa talagang presyo niya, ’yung ganu’n. ’Yung ibinebenta namin, sobrang baba, pinakamababa siya kesa sa eBay, nag-research kami and sobrang one-fourth na lang ng price niya.
“Pero nakakatuwa ’yung mga tao dahil sa kagustuhan nilang makatulong, kahit lumalampas na ’yung bidding sa original price, sa brand-new price, nagbi-bid pa rin. Nakakatuwa rin naman,” pahayag ni Angel.
Nagsimula ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagte-text ni Angel sa mga kapuwa niya artista na baka puwede silang mag-donate ng anumang maitutulong.
“Isa si Anne sa mga unang nag-reply na the height ang level ng energy, sobrang excited din siya. “Nakakatuwa si Anne, ’yun nga, sinasabi niya sa akin, sobrang inspired nga siya, pareho ko rin ’yan na hindi rin natutulog sa Shop ang Share, sobrang hands-on din. At siya rin ang kumukuha ng pictures namin (na ina-upload sa Net). Ang galing ni Anne.”
May participation din daw si Raymond Gutierrez, best friend ni Anne, dahil ito ang nakaisip ng pangalang Shop and Share.
“Actually, marami talaga kami rito, nahihiya nga kami ni Anne dahil hindi lang sa amin ito kundi project nating lahat. Nakakatuwa nga, kasi ’yung ibang mga artista, sila pa ang tumatawag sa amin para sabihing magdo-donate sila, ganyan.”
So far, marami na nga raw nag-donate tulad nina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Pokwang, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, KC Concepcion at marami pang iba.
“Si KC, nakakatuwa kasi ang binigay niya brand-new na Balenciaga and Givenchy bags,” proud na sabi ni Angel.
Isa pang tiyak na pag-aagawan ay ang donation ni Manny Pacquiao na sapatos.
“Pinuntahan ko pa talaga, 8 a.m., nakakatuwa, dinoneyt niya ’yung shoes na ginamit niya since day 1 ng training niya sa Baguio. At memorable ’yon, kasi ’yon ang ginamit niyang rubber shoes nu’ng Ondoy at Pepeng. Saka ’yung shorts niya, may nakalagay na Manny Pacquiao, saka may pirma niya.”
Pati ang dating sikat na boxer na si Freddie Roach na siyang trainer ngayon ni Pacman sa Baguio ay nag-donate rin at may pirma rin daw nito sa likod.
Nang kausap namin si Angel, hindi pa raw nila nire-release sa website ang naturang items nina Pacman at Roach, pero baka pag-uwi niya, gawin na niya ito, kaya paki-check na lang sa Shop and Share website dahil for sure, isa ito sa pag-aagawan.

No comments:
Post a Comment