Monday, October 26, 2009

[Video] Angel Locsin in The Buzz [25.10.09]

Angel Locsin has finally appeared live on TV yesterday in "The Buzz" after getting busy with her charity project. Here's the gist of the interview of Boy Abunda in "The Buzz".


Credit: Bernie Franco, ABS-CBN
Angel Locsin opens up on current career issues but keeps mum on her love life

Masayang ibinalita ni Angel Locsin sa The Buzz noong Ocotber 25 na ang kanilang proyektong mangalap ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pagsusubasta ng mga donated items ng mga artista ay nakakalap na ng $12,000 o tinatayang kalahating milyon. Tuluy-tuloy pa rin ang nasabing proyekto ni Angel at ng iba pang artista.

Nang tanungin ng host na si Boy Abunda kung bakit labis ang kanyang pagpupursige upang makatulong, sinabi ni Angel na para sa kanya ay obligasyon niya ang tumulong sa kanyang kapwa Pilipino na sila ring naglagay sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon sa showbiz. Sabi pa nga ni Angel ay talagang naging life-changing para sa kanya ang pagtutulong at dumating na sa punto na inisip niyang gawin itong isang pang-araw-araw na advocacy, pero idinagdag na kailangan din niyang magtrabaho at hindi rin maiwan ang mundo ng showbiz.

Muli ring nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang mga naiulat na balitang lilipat siya ng Viva Films. Aniya, nang mabalitaan niya ito ay inakala niyang isa itong biro at natawa lamang siya. Subalit aniya’y hindi niya masisisi ang mga tao na mag-isip ng ganoon sapagkat wala siyang proyekto sa kasalukuyan pero idiniin na mananatili siya sa poder ng Star Cinema.

Kaugnay naman ng pagkakapili kay Heart Evangelista bilang kanyang kapalit na gumanap bilang anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6, sinabi ni Angel na nakaramdam siya ng panghihinayang lalo pa’t pangarap niya ang makatrabaho si Sharon. Subalit aniya, siguro ay may mga artistang mas bagay para sa role pero nilinaw na bukas ang kanyang pintuan sa mga posibleng offers in the future.

Naging maigsi naman ang pahayag ni Angel nang kumustahin ni Boy ang kanyang buhay pag-ibig at sinabing okay naman ang kanyang puso.


Here's the video clip of the Buzz interview. Credit to Danceball85.


No comments: