Wednesday, October 28, 2009

[Video] Angel Locsin in The Buzz Tough Ten [01.04.09]

This is an old video clip of Angel Locsin's tough 10 questions in The Buzz on the 4th of January 2009. Please bear with me if am posting an old video clip. I am in the process of collecting information about Angel that I like so you will see some old information being posted here occasionally.

Here's an excerpt of the interview:

Credit: Glen P. Sibonga, PEP

Tough Ten Question No. 10: Bakit ka nanginig nang gawin n'yo ni Piolo Pascual ang inyong love scene sa pelikulang Love Me Again?

"Tito Boy naman, paano ka naman hindi manginginig sa sitwasyon na yun? Ikaw kaya ilagay mo ang sarili mo sa posisyon na yun, hindi ka ba manginginig nun?" sagot na patanong ni Angel.

Humirit naman si Boy ng, "Tough Ten din ang tanong na yun, hindi ako manginginig...hihimatayin ako! Pero as in natural talaga na nanginginig ka?"

"Iba po siguro talaga yung pakiramdam. Ako po yata yung nakaubos ng negatibo ng Star Cinema!" biro ni Angel. "Nanginig talaga ako noong hawakan ko na yung abs ni PJ [palayaw ni Piolo]. Kasi sabi ni Direk Rory [Quintos], ‘Gel, ang tigas ng kamay mo.' Kasi nanginginig talaga ako. ‘Direk, sorry.' Winorkshop pa yung kamay ko para hindi manginig.

"Nakaka-tense talaga. Tapos nakaganun lang si PJ, ang amo-amo ng mukha, nakangiti lang siyang ganyan. Ako yung ninenerbiyos. Ito po yata ang highlight ng movie. Iba talaga yung feeling. Kasi sa Lobo po, may love scene kaming nagawa, pero iba ito, e."

Tough Ten Question No. 9: Ikaw ang isa sa hottest at sexiest stars in the country today sa iyong henerasyon... Para sa iyo, bukod kay Piolo Pascual, sino sa mga local actors natin ang pinaka-sexy?

"Bukod kay PJ... Of course, Aga Muhlach... Luis [Manzano]... Sam [Milby]... Richard [Gutierrez]... and Jericho [Rosales]," sagot ni Angel na talaga namang ikinatili ng mga tao sa studio.

Mabilisan lamang, sa limang pangalang nabanggit mo, what's sexy about them?

Aga Muhlach: "Aga is Aga. Wala nang explanation pa."

Richard Gutierrez: "Iba siya talaga. Kasi nakasama ko si Chard simula noong umpisa talaga. Iba yung personality niya. Yung karisma talaga. So, sexy yun para sa akin."

Sam Milby: "Si Sam... Well, bukod sa maganda ang katawan ni Sam, gusto ko yung color niya."

Jericho Rosales: "Well, yung color na rin. And pareho sila ni Sam na maganda ang boses na malakas ang dating sa akin."

Luis Manzano: "Siyempre!" at ngumiti na lang nang pagkatamis-tamis ni Angel.

Tough Ten Question No. 8: Kung may isang lalaki sa iyong nakaraan na sasabihan mo ng mga katagang Love Me Again, sino ito at bakit?

"Wala po...wala. Ako kasi, Tito Boy, kapag nagmahal ako, iisa lang talag siya, as in siya lang talaga. Pero pag nawala na, wala na."

Tough Ten Question No. 7: Ano ang pinakamatinding intrigang hinarap mo at paano ka naapektuhan nito?

"Alin ho sa mga intrigang yun? Medyo marami-rami na rin po yung mga..." balik-tanong ni Angel.

Agad sumingit si Boy ng, "Pero the first intrigue that comes to mind."

"Puwede po akong magbigay ng tatlo?" sabi ni Angel. "Yung sex video na hindi po totoo. Nakabastos po ‘yon sa pagkababae ko. Pangalawa, yung sabihan ang nanay ko na katulong. Foul sa akin yun. At ang pangatlo, yung mga nangyari last year sa pag-transfer ko [from GMA-7 to ABS-CBN], yun po ang pinakamahirap na panahon sa buhay ko talaga."

But you survived them all...

"Yes. Utang ko ‘yon sa mga nagmamahal sa aking mga tao talaga."

Tough Ten Question No. 6: Sabi mo kanina, isa sa mga intrigang nakasakit sa iyo ay noong sabihan na katulong ang mommy mo. Right now, I'll give you the chance, kung may sasabihin ka sa iyong ina, ano ‘yon?

"Kay Mommy... Ano ko lang po ha, si Mommy at saka si Daddy, separated. So, medyo iba yung kung paano kami ngayon. Pero okay kami ni Mommy. Si Mommy kasi napaka-generous, napakabait na tao na lahat ibibigay niya sa ibang tao kahit wala na siya. So, yun lang sana yung... Kung puwede man akong mag-advise sa aking nanay, kung pupuwede man yun... Gusto ko sana na ano, unahin muna sana niya ang sarili niya. Dahil ako nandito lang naman ako para sa kanya forever. Pero gusto ko yung pinaghirapan ko sa kanya..." maluha-luhang wika ni Angel.

Tough Ten Question No. 5: Let's talk about your dad, kung mabibigyan ng pagkakataon na makakita si Daddy, ano ang gusto mong makita niya kay Angel Locsin?

"Lahat...lahat-lahat. Yung mga billboards ko..." at hindi na napigilang maluha ni Angel sa himig ng malungkot na background music. Kaya nasabi tuloy niya na: "Ano ba namang may music pa itong ‘Tough Ten' n'yong ito!'

"Kasi hindi na niya talaga ako nakita simula noong nag-artista talaga ako. Plus yung brother ko, na hindi niya nakitang lumaki. Tapos yung bagong bahay, yung ibinigay ko sa kanya. Hindi niya ma-appreciate yung hagdanan na ayaw niya. Ang daming bagay. Gusto ko siya minsang makasama sa ibang bansa, kaya lang, medyo hindi kasi puwede dahil mahihirapam siyang umikot [mamasyal]."

Kung may ihihingi ka ng tawad kay Daddy, ano yun?

"Sobrang stubborn ko talaga. Ako yata yung pinaka-stubborn na daughter. Kasi iba yung koneksiyon namin ng daddy ko, e. Very open ako sa kanya. Puwede naming pag-usapan ang kahit na ano. So, ang dami kong nasasabi sa kanya, na nararamdaman ko na hindi ako takot sabihin kay Daddy dahil ganun siya kagaling at kabuting ama talaga. So, sana ano, bawasan ng konti yung pagiging stubborn ko."

Tough Ten Question No. 4: Sa puso mo, kailan mo naramdaman na tunay ka nang Kapamilya?

"Siguro po, Tito Boy, noong simula po na tawagin ako ng mga tao ng Lyka [her character in Lobo), doon nag-sync in sa akin. Kasi ano, e, sobrang nagsikap ako sa sarili ko. So, yung makilala ka ng mga tao sa karakter na ginagampanan mo, malaking bagay na sa akin yun. So, sa tingin ko tanggap na ako ng mga Kapamilya talaga.

"Lalo na, i-share ko lang po ha, noong nag-premiere night kami sa States, natuwa ako. Kasi sa Pilipinas, nasanay na ako na, Lyka, Lyka... tapos si PJ, Noah, ganyan-ganyan. Tapos nagulat ako. Tinatawag nila ako sa States ng Lyka. Sabi ko, ‘Talaga, talaga, kilala mo ako as Lyka?' So, yun na, nakakatuwa lang po talaga. Nakakagaan po ng loob."

Tough Ten Question No. 3: Totoo bang dito sa ABS-CBN mo lang naramdaman ang pagiging isang tunay na aktres? Totoo, bakit? Hindi totoo, bakit?

Hindi agad nakasagot si Angel. "Kumplikado po ‘yan, a. Well, siyempre utang ko po kung sino man si Angel Locsin ngayon, siyempre sa GMA Network. Pero masayang-masaya po ako na naging ganap na aktres po ako dahil sa ABS-CBN," ani Angel na umani ng malakas at masayang sigawan sa audience.

"Malaking utang na loob ko po ito sa ABS-CBN. Wow! And iba yung mabigyan ka nila ng malaking proyekto, like yung Lobo and Love Me Again. Masaya na po ako dahil... Lalo na po yung MMK [Maalaala Mo Kaya], at nabigyan ako ng chance para patunayan ang sarili ko at i-challenge pa ang sarili ko."

Tough Ten Question No. 2: Kung may isang kabanata sa buhay mo na hindi mo na gugustuhing balikan, ano ito at bakit?

"Siguro, Tito Boy, noong high school ako. Kasi ano, e, loko-loko ako, e, dahil hiwalay yung parents ko, ganyan. Parang ang dami kong pinagdadaanan, ang dami kong angst, ang dami kong kina-career na problema. So, nandiyang nag-skip ako ng classes. Nandiyang pinabayaan ko...scholar po kasi ako sa swimming noon. Dahil doon nakakapag-aral ako. Pero pinabayaan ko lahat.

"So, ngayon, parang na-realize ko yung mga bagay na ipinagpalit ko. Ngayon, sobrang gusto kong bumalik sa eskuwelahan. Kaya kayo talaga...sana i-treasure n'yo ‘yan. Ang dami talagang magagandang memories. Ang dami talagang matututuhan sa school. Kaya gusto kong bumalik sa school," at umani si Angel ng palakpakan sa audience dahil sa kanyang sagot.

Tough Ten Question No. 1: In a scale of 1 to 10, 10 being the highest... gaano ka kasaya sa career, pamilya, at sa pag-ibig ngayon?

Una sa career...

"Sa career ko po, masasabi ko po na 10. Kasi ‘yong 2008, napakabait po ni God sa akin. Binigyan po niya ako, of course, ng Lobo and napansin po ako, nagkaroon po ako ng acting award [from Star Awards for TV] sa MMK. And itong January naman po, para po sa akin ang ganda nga po ng pasok ng taon, dahil tiyempo unang pelikula po ng Star Cinema, nagkataon na Love Me Again. So, parang ang ganda po ng pasok kaagad. Masayang-masaya po ako sa nangyayari po sa akin ngayon. And after naman nito, gagawin naman namin ni Sam yung soap [Buhay ng Buhay Ko]."

Sa pamilya...

"Ten..."

Sa pag-ibig...

"Ten!" mabilis at malakas na sagot ni Angel, patunay lang na masaya talaga siya sa piling ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

"Di ba, 10, 10, 10. May mas pe-perfect pa ba roon, ano?" pagtatapos ni Angel.

Here's the video clips of the interview. Credit to ABSstarcinema:





No comments: