Thursday, November 26, 2009

[Photos] BTS of Angel Locsin Preparing for iEmmy Awards Gala

The SNN (Showbiz News Ngayon) has shown the other night a behind-the-scene video clip of Angel preparing for the 37th International Emmy Awards Gala. Here are the scaps:

putting on makeup and the makeup case used

Piolo sent flowers to Angel; received them while doing her make up

her accessories

gown by Filipino based emerging designer, Michael Cinco

being interviewed while getting her hair done



inside the limo on Angel's way to the Awards Gala

a crowd favorite and by journalists

making a pose in front of International Press



Here is the videos available ...
credit: danceball85@YouTube

I found this article, which almost say the same thing from the video.
credit: ABS-CBN

Maaga pa lamang ng November 23 sa New York ay naghahanda na ang aktres na si Angel Locsin para sa kauna-unahan niyang pagrampa sa red carpet upang daluhan ang prestihiyosong 37th International Emmy Awards. Eksklusibong pinasilip ni Angel ang SNN sa naturang preparasyon, kasabay na rin ng kauna-unahang pagpapakita niya ng isusuot niyang 1-million-worth na gown by renowned designer, Michael Cinco. Bago siya tuluyang tumulak sa pinananabikang event, nagawa pa nitong magbahagi ng saloobin sa SNN. “Grabe! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganitong kahandang-handa at kaayos na ayos” bahagyang kinakabahang usal nito.

Talaga namang hindi nasayang ang matagalang pagpre-prepare ni Angel, dahil pagtungtong pa lamang ng dalaga sa red carpet ng Hilton Hotel, kung saan ginanap ang awards night, ay agad siyang dinumog ng mga paparazzi. Ani nga ng ilang sources, Angel happened to be “the most photographed celebrity” during the said event; kaya kahit pa hindi nito naiuwi ang award na “Best Performance by an Actress” ay nagmistulang Philippine pride pa rin siya gawa ng nahakot niyang napakaraming tagahanga sa labas ng bansa.

Matapos ang naturang event, malugod namang ibinahagi ni Angel ang reaksyon kaugnay ng pagiging bahagi niya nito sa unang pagkakataon. Nakangiting sambit ng dalaga, “Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito... Ilang beses ba naman akong makakapagsuot ng ganitong ball gown sa New York? I’m very happy and proud na kahit papaano ni-represent ko ang bansa natin.”


In SNN last night, Anne Curtis said that she is proud of Angel for bringing recognition to Pinoy.


No comments: