Nag-uumapaw ang saya ng aktres na si Angel Locsin sa panibagong blessing na dumating sa kanya kamakailan. Kabilang si Angel sa mga nominado sa prestigious 2009 International Emmy Awards sa kategoryang Best Performance by An Actress para sa kanyang pagganap sa Lobo (The Wolf), na kauna-unahan niyang primetime series sa ABS-CBN magmula nang lumipat siya mula sa GMA-7.
Nang unang makarating kay Angel ang balita tungkol dito ay hindi agad siya makapaniwala. Napakalaking karangalan para sa Filipina actress ang mapabilang ang kanyang pangalan sa hanay ng iba pang aktres na nominado mula sa iba't ibang palabas sa buong mundo.
Makakalaban ni Angel sa Best Performance by an Actress ang batikang aktres na si Julie Walters para sa A Short Stay In Switzerland, produced by BBC mula sa United Kingdom. Si Walters ay isa sa mga artista ng Mamma Mia! na pinagbidahan ni Meryl Streep, at gumaganap din siya bilang Molly Weasley sa Harry Potter movie franchise.
Nominado rin sa naturang kategory sina Emma de Caunes para sa Night Birds mula sa France, at si Cecilia Suarez para sa Capadocia na ginawa ng HBO Latin America Originals sa Mexico. (CLICK HERE to see full list of nominees.)
"Hindi po ako makahinga tuwing naiisip ko!" buntung-hininga ni Angel nang makausap siya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Lubos po akong naliligayahan na mapabilang sa mga nominado sa Emmy. Kaya win or lose, nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagtiwala.
"Sa Lobo family ko na inalagaan talaga ako. Sa writers—kay Tito Ricky Lee, Mark Bunda, at headwriter na si Dang Bagas sa paglikha kay Lyka [pangalan ng character niya sa Lobo]. At hindi po ito mabubuo kung wala po ang magagaling na direktor namin na sina Direk Cathy [Garcia-Molina], Direk Jerry [Sineneng] ay Direk Eric [Reyes] na walang pagod sa pag-suporta. Sa ABS-CBN management—Tita Malou [Santos, managing director ng Star Cinema], Tita Cory [Vidanes, entertainment head], Ma'am Charo [Santos, president], Sir Gabby [Lopez, CEO].
"Mga kaibigang artista sa Lobo na nagsilbing inspiration. Kay Mr. Piolo Pascual. Sa crew, staff, at siyempre sa lahat ng sumubaybay sa Lobo. Utang ko po ito sa inyo," pasasalamat ng aktres.
Umaasa ba siyang manalo sa 37th International Emmy Awards?
"Kung ano po ang ipagkaloob ni Lord," sagot ni Angel.
May plano ba siya na pumunta mismo sa awards night nito sa abroad?
"Win or lose po sana nandun ako sa awards night. Minsan ko lang po marararanasan 'yan kaya excited po ako talaga."
Ang pagkaka-nominate ni Angel sa International Emmy Awards ang pangalawag pagkakataon na binigyan ng pagkilala mula sa abroad ang Lobo.
Matatandaan na ginawaran din ng pagkilala ang Lobo sa 2009 Banff World Television Festival ng Canada. Ang taunang event na ito na tinatawag ding "The Rockies" ay binuo para sa pang-mundong programa sa telebisyon at sa kanyang paglikha't pag-unlad. Napili ang Lobo bilang Telenovela Program sa 23 category winners mula sa 800 entries from 29 countries.
Bukod sa nominasyon ni Angel para sa Lobo, nakakuha pa ng dalawang nominations ang Pilipinas sa International Emmys this year. Nominado bilang Best Telenovela ang Kahit Isang Saglit (A Time For Us) ng ABS-CBN at Magdusa Ka ng GMA-7.
Other Related News
credit: Napoleon Quintos of ABS-CBN
Piolo Pascual is happy about Angel Locsin’s International Emmy Best Actress nomination
Meanwhile, Piolo’s former Lobo leading lady Angel Locsin has just bagged a Best Actress nomination for the 37th International Emmy Awards. The Ultimate Heartthrob said that he is very happy that Angel’s performance has received acclaim from international media. “I’m very excited for her because she really did a good job sa Lobo. I know marami na siyang achievements before pero itong Emmy e isang napakalaking bagay because pang international na.”
Piolo hasn’t had the time to personally congratulate his former leading lady for her recent achievement. Angel has been busy with her charity work for the victims of Typhoons Ondoy and Pepeng. (The star will be auctioning off several of her designer bags for charity.)
[information not related to Angel Locsin were omitted]
credit: Bernie Franco of ABS-CBN
[Carmen] Soo also congratulated Angel Locsin whose performance as a she-wolf in “Lobo (The Wolf)” merited a nomination under the best performance by an actress category.
[information not related to Angel Locsin were omitted]
No comments:
Post a Comment