Friday, October 16, 2009

[News] Angel Locsin at Luis Manzano, nagkabalikan?

Any information about Angel Locsin including about her personal life is always a big news and would later found its way to the news center. Lately, her friends and netizens are paying closer attention to Angel's status in Facebook which she kept on changing and left everyone guessing as well as make different interpretations. That's how hot Angel is that even a change on her Facebook status gets reported.

Found these related info ...


Credit: Morly Alinio of Pinoyparazzi
Angel Locsin at Luis Manzano, nagkabalikan?

DOBLE RIN ang nararamdamang kaligayahan ni Angel Locsin matapos na ma-nominate bilang best actress para sa soap operang Lobo.

“Actually, blessing ito kay Angel dahil may mabuti siyang puso,” pahayag ng isang taong malapit sa dalaga na nagsabi ring darating ang aktres sa gabi ng parangal ng Emmys. “Noong malaman ni Angel na nominated siya as best actress, talagang hindi na siya nakatulog. Hindi niya kasi akalain na ganu’n kaganda ang magiging bunga ng kanilang pinaghirapan sa Lobo.”

May nagbulong naman sa amin na muli na raw ngayong naibabalik unti-unti ang pagmamahalan nina Luis Manzano at Angel, nagpalitan na raw ng text at tawag ang dalawa. “Actually, hindi naman ganu’n kalalim ang pinaghiwalayan nila kaya wala akong nakikitang masama kung magkabalikan sila, besides pareho naman silang in love ni Luis sa isa’t isa,” say ng aming source.


Credit: peparazzo of PEP blog
From "In a relationship" to "single" to "engaged" to "married"

Marami ang biglang nagulat nang ilagay ni Angel Locsin sa Relationship Status ng kanyang Facebook account ang status na "engaged."

Ito ay matapos na kung ilang linggo na ring nakalagay doon na "single" ang kanyang Relationship Status.

Marami agad ang nagtanong at nag-message kay Angel na ka-Facebook niya para malaman kung totoo ngang engaged na ang Emmy Awards nominee. Kabilang na sa nalilitong nagtanong ang ka-Facebook niyang si Anne Curtis.

Pinabulaanan naman ng kapatid ni Angel na si Ela through showbiz reporter Roldan Castro na engaged na para ikasal ang dalaga.

Engaged nga ito, pero "engaged" sa pagtulong sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Ganun din ang sinabi ng manager ni Angel na si Becky Aguila nang i-text ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Busy raw kasi sa pagtulong talaga ngayon ang bagong Philippine Red Cross ambassadress.

Sa ngayon, "married" naman ang nakalagay sa Relationship Status ng Facebook ni Angel.


No comments: