"Hindi namin masakyan ang gustong palabasin ng ilang tao na hindi raw taos sa puso ang ginawang pagtulong ni Angel Loscin sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy nang mag-isa itong mamahagi ng relief goods.
Kesyo gusto lang daw solohin ng actress ang credit ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo samantalang puwede naman daw itong sumama sa kapwa Kapamilya stars na nagsama-sama para damayan ang ating mga kababayan.
Dahil daw ba may mil-yonaryong manliligaw nga-yon si Angel kaya malakas ang loob nitong magsolong mamigay ng relief goods?
Ruffa Guitterez even Tweeted 2 Post about Angel's Current Situation
Ruffa Gutierreziloveruffag My gosh kawawa naman si Angel Locsin!Now she's the one being bashed & questioned for helping.What's with these people?Let's help each other!
Ruffa's latest twitter post:
I LOVE ANGEL LOCSIN! She's one of the nicest, most hard working, unaffected celebrities I know. I wish her happiness & more blessings!
Ella's (Angel's sister) reply re this issue
Nakakainis naman itong balitang ito. :angry: Yung bang nagsulat ng intriga na yan ay may nagawa nang tulong para sa kapwa? Sana i-convert niya na lang sa paggawa ng mabuti yung kanyang panahon at lakas kaysa sa manira ng kapwa.
Anyway, FYI lang po: Halos lahat ng ikot ni Angel para sa Rescue Operations ay walang publicity. Sa case ng Bagong Silangan kung kaya may media, pinaabot lang po namin sa abs-cbn news and public affairs (hindi sa entertainment) ang kalagayan ng mga biktima dahil nung nagpunta kami dun nung Linggo ng gabi, naalarma kami sa dami na casualty-- sa mga larawan ng mga batang patay, mga pamilyang nahuhukay sa ilalim ng putikan, at maraming bilang ng mga taong nawawala. Sabi namin, "bakit hindi nababalita ito?" dahil nung mga panahong yun, nakapokus sa marikina, pasig at cainta ang mga balita. Nung nireport namin sa abs-cbn through Ms. Tina M-Palma, maging sila nagulat kaya gumawa naman ng kaukulang aksiyon ang sagip-kapamilya. Malaking bagay ito kung bakit nabigyang-pansin ng madla ang kalunos-lunos na kalagayan ng lugar. Ito ay tulong sa mga residente ng Bagong Silangan at hindi pa kay Angel.
Kasabay nun ay ang TXT BRIGADE ni Angel nung linggo ng gabi sa lahat ng mga contacts niya para humingi ng tulong para sa mga nasalanta. Nakakatuwa ang dami ng mga rumesponde. Marami sa kanila ang nag-commit ng mga donasyon at ng mga sarili para magvolunteer. Isa sa mga napaabutan ni Angel si Ms. Mariole ng Star Magic para sa nasabing Mission. (So, anong sinasabi ng iba na gustong magsolo?) Positibo naman ang naging pagtugon ni Ms. Mariole.
Kinabukasan ng umaga, datingan ito ng mga donasyon at volunteers sa NCCP compound kung saan ang tipunan at repacking ng goods bago magtungo sa Brgy. Bagong Silangan. Ang usapan, alas-dos (2pm) pupunta sa Area at sa NCCP nga ang tipunan. Ang Star Magic, based on the forwarded text they circulated (with Carl as coordinator), nagcall-time ng mas maaga sa mga artista para magtungo sa area ng ala-una (1pm). Dito, tinawagan sila kagad ng PCPR (Promotion of Church People's Response na ka-tie-up naming organization) para imungakahing sabay-sabay na lang kami magtungo dun dahil iniiwasang magkakagulo na ang tao sa area sa kanilang pagdating at dahil din may sistema ng distribusyon na inihanda ang mga lokal na lider dun. Bukod dun, siyempre, umasa kami na tutungo kaming lahat dun "AS ONE" para makatulong sa mga tao. Of course, yun naman ang pinaka-ultimate objective natin sa mga panahong ito: Ang magkaisa tayong mga Pilipino para magtulungan...
Mga bandang alas-dos yata dumating yung bus ng Star Magic sa NCCP at sabay nga kaming nagpunta sa area. Magkaka-convoy kami...
Pagdating dun sa Area 2, Sitio Veterans sa Bagong Silangan kung saan may maikli at simpleng programa na inihanda ng mga tagaroon, nakilahok kami nina Angel kasama ang mga volunteers. Nandun rin po sina Ms. Candy Pangilinan at Ms. Irma Adlawan hindi lang upang magpamahagi kundi para makiisa sa mga tao. Sinundo pa nga ni Angel yung mga kasamahan niyang artista sa van at siniguro ang kaligtasan nila (marami kaming volunteer marshalls ang nakabarikada) pero inabot ng mahigit kalahating oras yata bago sila nakababa (walang halong pag-iintriga dahil maari namang may iba't ibang kadahilanan sila na valid -- ewan ko, baka ayaw pa sila pababain ng handler nila or whatever, kinukwento ko lang, naka-video naman po yan para di ako ma-libel :lol: ).
Dun po sa mga litratong nakita niyo kung saan may hawak na mikropono si Angel, nag-aayos siya nun ng pila ng mga tao at inaannounce yung number ng stubs ng mga beneficiaries. Masaya kami dahil organized naman ang naging takbo ng distribusyon. Sa kalagitnaan pamamahagi ng relief goods at habang abalang-abala ang lahat, nakikipaglobby yung handler nila na baka pwede daw pabilisin yung pila dahil sila naman daw ang mamamahagi at dahil ang ilan sa kanila ay se-segue way pa sa ibang lugar. So, naging malinaw sa amin na hinihintay lang pala nila kami matapos bago sila magsibaba sa bus kaya pinagbigyan naman namin ang kanilang request. Yan po ang pangyayari kung bakit mistulang magkahiwalay yung diskarte ni Angel sa kanyang mga kasamahang artista. Nais ko lang pong linawin na di naman sumama ang loob ni Angel dito, ang mahalaga naman ay nakarating sa mga tao yung tulong, di na mahalaga kung kanino nanggaling yung initiative. At ang isa pang magandang nangyari ay naging simula ng mga pagsisikap na yun sa pagdagsa ng marami pang tulong mula sa ating mga kababayan sa naturang lugar mula nang ito'y napabalita.
No comments:
Post a Comment