Tuesday, November 3, 2009

[Video] SNN - Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heart

The interview of Angel Locsin in SNN (Showbiz News Nga-yon) revealed some interesting information about her thoughts on the break up of her relationship with Luis Manzano. Credit to Danceballmonday for the video clip ...




Here are the news related to SNN's video ...



Credit: Heidi Anicete, ABS-CBN

Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heart

Sa isang maikling panayam sa SNN nito lamang October 19, matapang na sinagot ni Luis Manzano ang mga intrigang pilit pa ring nagli-link sa kanila ng dati niyang kasintahang si Angel Locsin. Kaugnay ng nasabing panayam, nabanggit rin ng naturang aktor na sa kabila ng sinapit ng relasyon nila ng aktres ay nananatili pa ring mayroong nakalaang espesyal na puwang ang dalaga sa puso niya.

At matapos nga ang matagal na pananahimik, kanina sa SNN ay nagsalita na rin si Angel kaugnay ng naturang isyu. Hindi na itinanggi ng dalaga ang muling pagbabalik ng komunikasyon sa pagitan nila ni Luis lalo na nang mag-umpisa ang proyekto nila ni Anne Curtis na Shop and Share para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Ani niya, isa raw kasi si Luis sa marami pa nilang masugid na supporter simula noong maitatag nila ang naturang campaign.

Pagbabahagi naman ng dalaga patungkol sa tunay na estado ng kasalukuyan nilang relasyon ng dating boyfriend, "Inaayos namin na maging magkaibigan kami. Marami pa kaming kailangang ayusin." At nang sinubok ngang alamin ng SNN kung ano ang tinutukoy niyang kailangan nilang ayusin, ngumiti lamang siya at sinabing "Well, si Luis na lang siguro dapat magsabi sa inyo."

Katulad ni Luis, inamin ni Angel na hanggang ngayo'y may espesyal na parte pa rin ang dating karelasyon sa puso niya. Paliwanag nga niya, sadyang malalim daw ang pinagsamahan nilang dalawa kaya hindi ganoon kadaling balewalain ito. Ngunit nang direkta siyang tinanong kung hanggang sa kasalukuya'y mahal pa rin niya si Luis, nakangiti siyang tumugon ng "Uhm, ayan yung mga tanong na di ko kayang sagutin sa ngayon."


Credit:
Chan-Chan Torres, Online Journal

Angel hindi na masagot kung mahal pa si Luis


Para kay Angel Locsin, welcome ang anumang tulong na ibibigay ni Luis Manzano sa kanyang proyekto para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Ayon kay Angel, walang problema sa kanya kung nais tumulong o mag-donate ni Luis sa Shop and Share project nila ni Anne Curtis.

Aniya, kung sino raw ang gustong mag-donate at magbigay ng kanilang pledges, bukal sa loob nilang ta-tanggapin para sa ikauunlad ng kanilang adhikain.

Kinumusta si Angel ang SNN (Showbiz News Nga-yon) tungkol sa kanilang da-lawa ni Luis pero paiwas pa rin ang sagot ng dalaga.

May mga tsika kasing four months na palang hiwalay sina Angel at Luis pero hindi lang daw mas-yadong napag-usapan until finally ay lumabas ang isyung nagkakalabuan na sila.

Nang tanungin si Angel kung mahal pa rin niya si Luis, sinabi nitong, “Naku, mukhang mahirap yatang sagutin ‘yan.”

Alam kasi ni Angel, na halatang umiiwas, na baka ma-misinterpret na naman ng marami ang kanyang isasagot.

Aminado naman si Angel na hindi mawawala ang concern niya para kay Luis lalo pa’t may pinagsamahan sila ng TV host.

Mukhang okay sina Angel and Luis living their separate lives.

Dahil kahit naghiwalay sila ng landas ay sinikap nilang manahimik at hindi ‘yung tipong nagtalakan pa sa media.

Ipinagmalaki rin ni Angel ang pag-donate ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng kanyang kauna-unahang boxing shoes at jersey na nasuot na niya sa isang laban niya sa abroad.

Ayon pa kay Angel, maging siya ay balak mag-bid sa idinonate ni Pacman dahil mahalagang remembrance daw iyon galing sa isang Manny Pacquiao.


Credit: abs-cbnNEWS.com

Angel says it's over between her, Luis


MANILA – Actress Angel Locsin has finally put all speculations to rest after admitting that the break-up rumors involving her and Luis Manzano were in fact true.


During the 25th anniversary of women’s group Gabriela, Locsin said she and Manzano rarely communicates ever since the split.


“Parang weird naman kung lagi pa din kaming nag-uusap. Kasi parang nag-break pa kami kung lagi din pala kaming mag-uusap,” Locsin said.


She confessed that she missed what she and the actor had. “Makulit kasi siya talaga [kaya] nakaka-miss din.”


She added that Manzano will always have a special place in her heart.


She said: “Siyempre may pinagsamahan din kami. Iba din ang pinagsamahan namin. Pero may mga bagay pang dapat ayusin.”


Asked if it’s true that Manzano is wooing her again, Locsin replied: “Siya na lang siguro ang dapat magsalita, kung kailan niya gustong magsalita.”


The “Only You” star also said that she is in no hurry to find love.


“I’m very happy at medyo ang dami kong pinagkakaabalahan ngayon,” Locsin added.



Credit: Nel Alejandro, Online Journal

KUNG ngayon ang pagbabasehan, malabung-malabo na mag-reconcile sina Rachelle Ann Go at Gab Valenciano.

Obvious na masakit, lalo on the part of Rachelle Ann, ang naging dahilan ng paghihiwalay nila, which is the exact opposite sa kasalukuyang namamagitan sa another estranged couple, sina Luis Manzano at Angel Locsin.

According to Angel, Luis was among the celebrities na pinadalhan nila ni Anne Curtis ng solicitation letter for their Shop and Share project for the victims of Typhoons Ondoy and Pepeng.

Luis, in turn, sent them several items, some even mga bago.

Angel and Anne plan to turn over whatever amount they have generated from the project to the Philippine National Red Cross.

They think it’s the proper agency that would know kung ano ang pangangailangan ng mga biktima.

Angel doubts, though, kung ang usapang reconciliation will happen between her and Luis. She thinks mas mabuti kung maging magkaibigan muna sila.

Meanwhile, the actress announced na sa January, magsisimula na siyang mag-siyuting for her movie with Aga Muhlach under director Olive Lamasan.



Credit: Morly Alinio, Pinoy Parazzi
Angel Locsin, Nataranta Nang Makita Si Luis Manzano

DUMATING SI ANGEL Locsin sa 25th anniversary ng Gabriela na ginawa sa Amoranto Stadium.

Inusisa namin ang tungkol sa split nila ni Luis.

“Yes, four months na kaming wala ni Luis and I don’t want to elaborate kung ano man ang naging dahilan ng aming paghihiwalay. Basta, ang importante ay alam naming masaya kami sa aming mga ginagawa sa ngayon,” esplika ni Angel.

“Actually, panay ang padala niya ng tulong sa grupo namin, ang Shop and Share, ng mga gamit na bago pa talaga. Makikita mong hindi gamit kaya nga tuwang- tuwa ako sa kanya.” Nag-donate ng dalawang mamahaling relo si Luis. “Yung isa, bago talaga at parang binili yata niya iyon para lang makapag-donate siya.”

Ayaw patawag ni Angel na superhero sa kabila ng mga kawanggawa niya. “Nakakahiya naman. Hindi naman ako superhero. Hindi ako bayani. Ang ginagawa ko lang ay bilang ako, ‘yun bang magaan sa dibdib ‘yung alam mong nakatutulong ka sa iyong kapwa at nakakapagpasaya ka ng mga taong nalulungkot. ‘Yun lang ay isang malaking achivement na sa akin.”

Sinabi ni Angel na totoong kinabahan siya nang muling magsalubong ng landas nila ni Luis sa ASAP. “Hindi ko alam kung nag-holding hands kami, hindi ko alam kung ano ang naging reaction ko. Basta, parang wala lang. Ayokong sabihing mahal ko pa si Luis. Siguro, mas makabubuti kong si Luis na lang ang tanungin ninyo kasi parang napaka- awkward naman kung magsasalita ako sa ganyang bagay.”

No comments: