Wednesday, October 21, 2009

[News] Shop and Share by Angel Locsin Makes a Buzz

The online auction of celebrity owned items, which has been spearheaded by Angel Locsin is making a buzz in the entertainment industry [click here for the related story]. It is heartwarming to see celebrities from opposing networks working together for a good cause. After this calamity, the network war may continue but the goodwill generated by this project among celebrities will still live. This project has also open the line of communication for some who would never have worked together in the near future because of network rivalry.


Credit: Dolly Anne Carvajal, Philippine Daily Inquirer

Shop and Share

Check out Angel Locsin’s www.shopandshare.ph and bid for chic items. Proceeds will go to victims of “Ondoy.” Angel really ought to have a halo and wings.


Credit: Rommel R. Llanes, PEP
Angel Locsin and celebrity friends auction their personal items to help typhoon victims

Patuloy sa pagtulong si Angel Locsin sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. At ngayon, sinamahan pa siya ng mga kaibigan niyang artista sa rehabilitation efforts ng Philippine Red Cross (kunsaan siya ang celebrity ambassador)—sa pamamagitan ng isang website na binuo nila para sa auction ng kani-kanilang mga mamahaling personal items.

"Shop and Share" ang ipinangalan nina Angel, Anne Curtis, Dimples Romana, at Kris Aquino sa website na binuo nila at iba pa nilang mga kaibigan.

"Overwhelming ang response ng mga tao. Nakakatuwa na maraming gustong tumulong," sabi ni Angel nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook account niya kaninang hapon, October 20.

Mamahaling items ang mga naka-display at for auction sa www.shopandshare.ph nina Angel, gaya ng Hermes, Prada, Louis Vuitton at Chanel. Nang tanungin ng PEP kung sino ba sa mga celebrity ang nagbigay ng pinakamahal na items, sinagot ni Angel na hindi issue sa kanila kung gaano ba kamahal ang item.

"Ang importante sa amin kung gaano ka-special yung item na yun sa nag-donate," sagot ni Angel.

Heto ang pangalan ng mga celebrity at mga item na ibinigay nila for auction:

Heart Evangelista (Tiffany and Co. ring and Fendi shades), Isabelle Daza (dress creations by Rhett Eala, Debbie Co and Isabelle herself), Pokwang (Louis Vuitton Magnolia Heels shoes), Luis Manzano (Technomarine watches), Kim Chiu (dresses and Louis Vuitton bags), Maxene Magalona (Gucci and Coach bags) Ruffa Gutierrez (Tory Burch bags and shoes), Boy Abunda (Uru Recoleta jacket and Roberto Cavalli glasses), Mariel Rodriguez (Kate Spade, Prada and Marc Jacobs bags), Gerald Anderson (Oakley Eye Patch sunglass), and Marian Rivera (mga classy dresses na sinuot niya sa mga events). (CLICK HERE and HERE to see photos of their items.

"Hindi pa namin nakukunan ng pictures yung kay Dingdong [Dantes], pero nag-donate din siya ng personal items niya," balita pa ni Angel.

Dahil puro pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo ang pinagkakaabalahan ni Angel ngayon, tinanong na rin ng PEP kung saang relief operations o pagtulong siya nahirapan.

"Bukod sa nahihiya akong humingi ng mga items, nahirapan ako pag nade-deploy ako sa mga urban poor communities. Naawa talaga ako, pag tumitig ka na sa mata ng bata na gutom, may sakit, nakatulala," sabi ng aktres.

Nang tanungin naman ng PEP kung a-attend ba siya sa International Emmy Awards kunsaan nominated siya sa kategoryang Best Performance by An Actress sa pagganap niya sa Lobo, ito ang naging sagot niya: "Hindi pa po ako sure."

Visit www.shopandshare.ph para sa mga gustong makisali sa auction ng mga personal items ng mga artista at makatulong na rin sa mga nangangailangan nating kababayan.


No comments: