Credit: pinoyparazzi, Pilar Mateo
Angel Locsin, nominated sa Emmy Awards
SINO BA NAMAN ang hindi magtatatalon sa tuwa kung makatanggap ka ng isang napakaganda at nakatataba ng pusong balita sa gitna ng depression na nagaganap sa ating bayan?‘Yun nga raw ang nangyari kay Angel Locsin nang matanggap ang balitang nominated siya sa Best Actress category ng Emmy Awards na gaganapin sa November sa New York, USA para sa papel na ginampanan niya sa Lobo.
Ang daling nasuklian ng magandang karma ang mga magagandang bagay na ginagawa ni Angel nang dumating ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Kahit ang bank book ni Angel ay naging bukas para sa mas marami pa niyang maitutulong. Hindi man niya gustong ma-announce na P600,000 na ang naiaambag niya para sa mga nangangailangan, mas excited naman ang mga nagbabalita dahil nga sa magandang ginagawa ni Angel para makatulong.
Pero may nagsabi sa akin na medyo pinaalalahanan na si Angel ng kanyang Daddy na maghinay-hinay muna. Kasi nga naman, wala pa naman uling proyekto ang mahusay na aktres. Pero gano’n talaga kapag may ginagawa kang napakaganda at nakagagaan ng loob, hindi mo na alintana kung makalimutan mo ang sarili mo. Kaya nga siya angel, eh! Laban kayo?
Credit: Abante; Allan Diones
Angel, nagbuhat ng isang sakong bigas (Talbog ang maraming aktor!)
LALO kaming humanga kay Angel Locsin dahil mas aligaga siya sa patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy kesa sa balitang nominado siyang Best Actress (para sa Lobo) sa 37th International Emmy Awards.Ang daming kaibigan ni Angel ang sobrang excited at tuwang-tuwa na binati siya sa Facebook sa natanggap niyang nominasyon, pero mas abala si Angel sa mga isinasagawa niyang relief operation.
“Salamat!!! Gustuhin ko mang magtatatalon sa tuwa, pero parang ‘di naaayon sa nangyayari sa Pilipinas ngayon,” ang simpleng sagot ni Angel sa mga nagko-congratulate sa kanya.
Matapos manalasa ni Ondoy ay isa si Angel sa mga artistang kusang-loob na kumilos para makatulong sa mga naapektuhan nating mga kababayan.
Ang kinabilib namin kay Angel ay hindi biro ang ginagawa niyang pagtulong (bukod sa donasyon niyang P500K sa Sagip Kapamilya telethon na naggaling sa sarili niyang bulsa), pero tahimik lang siya tungkol dito at tila ayaw niyang ipagsabi o ipaalam ito sa mga tao.
Sa tuwing sisilipin namin ang kanyang Facebook account ay nakikita namin kung gaano katindi ang involvement ni Angel sa mga relief and rescue mission ng Philippine National Red Cross at ng iba’t iba pang grupo na sinasamahan niya.
Sobrang hands on si Angel sa ginagawa niya at wala siyang keber kahit mapagod siya, mapuyat o mahirapan sa ginagawa niya.
Kababae niyang tao pero dadaigin niya ang maraming artistang lalaki tulad nu’ng buong ningning na binuhat ni Angel ang isang sakong bigas at tubig sa isang relief operation.
Puring-puri siya ng mga kasamahan niya dahil itsura raw ng kargador sa pier si Angel kung makabuhat ng mabibigat na bagay.
Natawa kami sa nabasa naming comment niya na paggising niya kinabukasan ay saka lang niya naramdaman ang pagod at feeling niya ay para raw nakomang ang balikat niya!
Nakakatuwa rin ‘yung shoutout ni Angel na first time niyang nakarinig sa mga taong pinupuntahan nila na tumatanggi na ang mga ito sa pagkain dahil busog na busog na sila.
Pati friends and fans niya na kung tawagin niya ay ‘angels’ ay kasa-kasama niya kung saan-saan para tumulong at lalo pang nai-inspire ang mga ito dahil sa magandang halimbawa na ipinapakita ng young actress.
Nu’ng kasagsagan ng relief efforts ay madalas na hatinggabi o madaling araw nang umuuwi si Angel mula sa ‘deployment’ sa iba’t ibang lugar.
Minsan ay nabasa namin sa isa sa mga posted message niya na naghahanap siya ng magagaling lumangoy na handang lumusong sa baha para sumagip ng mga tao. Nabanggit din ni Angel na bukas ang bahay niya para sa mga gustong lumikas.
Nagkataon na mukhang hindi pa busy si Angel ngayon sa anumang show at pelikula kaya may panahon siya para magkawanggawa.
Bukod sa mismong pagbibigay ng relief at feeding activities ay naging aligaga rin siya sa clean-up operations sa mga lugar na binaha.
Naaliw kami sa isang status niya na, “Angel Locsin is armed and dangerous. Putik, lagot kayo sa amin!”
Ngayon, matapos nilang bigyan ng pagkain at iba pang pangangailangan ang mga nasalanta ng bagyo, trabaho naman ang iniisip na ibigay ni Angel at ng mga kaibigan niya para sa mga kawawa nating kababayan na nasa mga evacuation center at sa mga komunidad na labis na napinsala ng baha.
Rehabilitation at rebuilding naman ang pagkakaabalahan nila. Kaya sabi ni Angel, “Karpintero naman tayo!”
Buti na lang, kahit noon pa ang may pagka-manly si Angel. Mahilig siya sa physical challenge at sa mga activity na panlalake.
Suportado rin ng magandang young actress ang ‘Oplan Sagip Kanayunan’ na naglalayong tulungan ang mga nawalan ng bahay at kabuhayan sa mga karatig-probinsiyang hinagupit ng delubyo.
***
May isang female celebrity na gustong imbitahan si Angel para magsalita sa isang fundraising concert for Ondoy victims dahil alam nilang napakaraming natulungan ng dalaga.
Muli kaming humanga sa sagot ni Angel na handa siyang tumulong, pero diyahe raw siyang magsalita at iba na lang ang ipagawa sa kanya.
Bagay na bagay kay Angel ang pangalan niya dahil isa siyang tunay na ‘anghel’ para sa napakaraming taong tinutulungan at pinagmamalasakitan niya.
***
Balik tayo sa nakuhang nominasyon ni Angel.
Obviously ay na-impress ang International Academy of Television Arts and Sciences sa pagganap ni Angel bilang taong-lobo na si Lyka sa Lobo (The Wolf) kaya pasok siya sa kategoryang Best Performance by an Actress.
Ang tatlong foreign actresses na makakatunggali niya ay sina Emma De Caunes (Night Birds, France), Cecilia Suárez (Capadocia, Mexico) at Julie Walters (A Short Stay in Switzerland, United Kingdom).
Ang British actress na si Julie Walters ay Oscar Best Supporting Actress nominee para sa Billy Elliot nu’ng 2001.
Mas kilala ang beteranang aktres bilang ina ni Ron Weasley na si Molly Weasley sa Harry Potter movie series.
Nakakuha rin ng nominasyon sa Best Telenovela category ng 37th International Emmy Awards ang teleserye ng ABS-CBN na Kahit Isang Saglit (A Time For Us) na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Carmen Soo, at ang afternoon drama ng GMA na Magdusa Ka na tinampukan nina Dennis Trillo at Katrina Halili.
Katunggali ng dalawang programa mula sa Pilipinas ang India--A Love Story ng Brazil at Second Chance ng France.
Gaganapin ang black-tie awards ceremony ng International Emmys sa Nobyembre 23 sa Hilton New York Hotel. Ihu-host ito ng British TV star na si Graham Norton.
Credit: Tribune, Edgar Cruz, Oct-6-2006
No comments:
Post a Comment