Nililinis pa rin hanggang ngayon ang binahang bahay ni Cristine Reyes sa Provident Village pero ang ikinagulat nila ng humupa ang baha ay naglipana naman ang mga ahas sa loob ng kanilang bahay.
Kahit pa nalubog sa baha ang bahay ay wala silang balak ibenta ito dahil may sentimental value umano ito sa kanila.
Nalaman din namin na magkapitbahay pala sina Ara Mina at Angel Locsin, at unang nag-volunteer daw ang dalaga na puntahan nila at tulungan si Cristine.
“Sabi ni Angel puntahan namin si Cristine at dadalhin daw niya ‘yung Hammer niya. Sabi ko hindi rin puwede dahil lulubog din sa laki ng baha ang sasak-yan ni Angel at lulubog din kami, ‘di ba? Kaya hanggang doon lang kami sa labas na walang baha. Nagkita yata sila ni Richard at dahil may speedboat itong dala at siya na lang ang pumunta at naghintay na lang kami ni Angel sa sasakyan,” kuwento ni Ara.
“Kapitbahay ko kasi si Angel at siyempre nag-aalala siya nang mabalitaan niya ang lagay ni Cristine at isa talaga siya sa mga tumulong. Na-appreciate namin ‘yun. Mabait si Angel,” say pa ni Ara.
Dahil safe na ang kapatid at magulang ay nag-iikot naman ngayon si Ara para tumulong sa mga kababa-yang nasalanta ng bagyo sa Quezon City at sa Marikina para makatulong.
Hindi naman umano galit si Ara sa naging mabagal na aksiyon ni MMDA Chairman Bayani Fernando nang humingi siya ng tulong para sagipin ang kapatid sa Marikina.
Naiintindihan daw niya na kaya hindi agad nakagawa ng aksiyon si Fernando ay marami rin daw itong tinulungan nu’ng time na humingi siya ng saklolo.
credit: abs-cbn-kapamilya-aficionado
No comments:
Post a Comment