Thursday, October 29, 2009

[News] Larawan sa Canvas: Close Encounter with an Angel

I was collecting news related to the confirmed breakup of Angel Locsin and Luis Manzano but I like how this article was written. So I am re-posting this article separately. Please click here to view the pictures or " Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia."

Here's the news:

Credit: Master Orobia, Pinoy Parazzi

GALING AKO NG opisina, nag-usap kami ng kilalang kontribersiyal na Magbloid bossing na si Raimund Agapito. Saan pa nga ba, kundi sa pinag-uusapang babasahin natin na Pinoy Parazzi! Kinuha ko rin kasi ang bago kong ID, nabasa kasi ‘yung una. Ito kasing si Ondoy, ang daming sinalanta. Buti yari na ang ID ko at pagdating sa channel 2, nagkaubusan ng ID sa guard, naghintay pa akong may lumabas. Eh, bakit nga ba? Birthday lang naman kasi ni Boy Abunda, at maraming bisita! Boy, happy birthday!

At sa dami ng tao… oh, no! Nakakita ako ng Angel, mga alas-sais ng gabi. What?! Angel?!. Yes nagkakagulo ang mga reporter at ang modernong Angel na ito naka-black jeans, blazer fit na black din, long hair and la vita belle. Naks!

Pasadahan kaya natin ang isyu no.1 – gusto ni Angel Locsin na sila na lang ni Luis Manzano ang mag-usap tungkol sa nangyayari sa kanilang dalawa. Siyempre naman dapat ‘pag nag-uusap ang dalawang tao, dapat sila lang ang nakaaalam kundi, ‘di na dalawa ‘yun! Ha-ha! [ross note: click here for the related story]

Isyu no. 2 tungkol sa Star Cinema at sa Viva – ang totoo ay hindi raw siya lilipat sa Viva, and she will definitely stay sa Star Cinema. Sabi nga ni Angel, siyempre business ‘yan.

Isyu no. 3 – ang upcoming movie niya ay ang pelikula nila ni Aga Muhlach na na-move lang ng schedule. Abangan na lang ninyo.

Isyu no. 4 – aalis si Angel papuntang ibang bansa para sa 37th International Emmy Awards. Wow… huh! International award ‘to! Sikat talaga! Iba ang artist na artista kaysa artista lang talaga.

Hello, nagpakilala ako. Blah… blah… “I’m okay po!” Sagot ni Angel.

Yeah! Nagpakilalang akong artist-painter at isang writer ng Pinoy Parazzi. Ang sabi niya sa ‘kin, “Ay, alam ko po ‘yan pare-pareho tayong mga artists eh, nagkakasundo sa mga ganyan.”

Ah, ako kasi, I feel ‘yung knowledge nand’yan lang, sayang kung hindi natin gastusin mawawala ka, basta maligaya ka okay lang. Dati kang nasa kabilang istasyon, ngayong lumipat ka na, nandito ka na sa Ch. 2, ano sa tingin mo ang pakiramdam mo?

“Ah, ‘yang question, nasagot ko na ‘yan ng maraming beses, business move iyon. Sabihin nating nagtrabaho ka sa isang kumpanya, tapos lumipat ka naman sa isang kumpanya, choice mo iyon. Sa akin doon sa dati, marami itong naiwang baon na maraming memories. Siyempre iyong ano ko rin, iyong kung saan ka masaya.”

Uhm… love life mo?

“Ah, ngayon kasi ang focus ko ay iyong Shop and Share. Sa akin naman kasi, katulad ng trabaho natin na marami tayong inaasikaso – schedules, siyempre may pamilya ka rin naman – mahirap talaga. Siguro mahirap makahanap ng taong makaiintindi sa lifestyle natin ‘di ba? Kasi hindi masyadong open, ‘di ba? Ah ako ngayon eh , ambasaddress ng Red Cross at saka nga ‘yong project naming Shop and Share. Gusto ko talagang lumalabas ako, iyong walang kasama para makatulong sa mga kababayan natin.

Ako ang bilib ako sa yo eh, iyong relationship ninyo ng lolo mo, kasi kung ano ang gusto ng lolo mo, inuunawa mo.

“Father po… ha-ha-ha-ha! Nakakatuwa po kayo!”

Ay, oo! Father mo kasi, 83 na nga pala, sorry, sorry, yeah!

“Okay lang po. Ha-ha-ha! Well sinabi niyang siyempre ‘pag maganda ang magiging trato sa kanyang mahal sa buhay, okay ito sa kanya.”

Korek ka dyan! Eh, kumusta naman ang mother mo?

“Mabuti naman po’ng Mommy ko. Ha-ha-ha!”

Pinagtawanan ako kaya dapat tumawa rin ako, para ‘di mahalata. Ha-ha-ha! Bale ano ang paborito mong pagkain?

“Lahat po puwera lang ang gulay.”

Ay, huwag naman, kasi importante ang fiber.

“Ay, bumabawi naman ako sa prutas.”

Ah, okay iyong prutas, ok iyon … Singit si Becky Aguila, manager ni Angel. “Sir, sorry po… kasi kailangan na niyang mag- taping para sa station ID.


No comments: